Early voting para sa senior citizen inilatag sa Kamara

INILATAG na sa Kamara ang panukalang batas para maagang makaboto ang mga senior citizen sa local at national elections sa bansa.

Batay sa isinasaad sa House Bill Number 5963 na iniakda ni Cebu Rep. Gabriel Luis Quisumbing, layunin nitong maging maaga o madali para sa mga nakatatanda na makaboto.

Ayon pa sa panukalang batas, maiwasan na mahirapan ang mga senior citizen sa masikip at mahabang pila tuwing eleksyon.

Oras na maaprubahan ito, pahihintulutan na ang matatanda na makaboto isang araw bago ang mismong eleksyon.

Nakasaad din sa panukalang batas na kailangang makipag-ugnayan sa Commission on Elections (Comelec), sa local government units (LGUs),
Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagdisenyo ng sistema.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply