Easter message ni PNoy: Ituloy ang nasimulang laban

HUWAG bumitiw at ituloy ang nasimulang pakikipaglaban para maituwid ang mga pagkakamali sa bansa.

Ito ang isa sa mga nilalaman ng Easter message ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang mensahe na sana palaging gumawa ng mabuti at huwag lumihis sa kasamaan ang mga Filipino.

Kung ipagpatuloy aniya ang nasimulan, isang bansang maka-Diyos, makatao at makatarungan ang maipamamana natin sa susunod na salanlahi ng mga Pinoy.

Tulad sa muling pagkabuhay ni Hesuskristo, ani Pangulong Aquino, bumabangon na ang bansa mula sa pagkakasadlak sa katiwalian at kahirapan.

“Kung ipagpapatuloy po natin ang ating mabuting nasimulan, magpapamana tayo sa susunod na salinlahi ng isang Pilipinas na tunay na maka-Diyos, makatao, at makatarungan. Samahan ninyo ako: sabay-sabay tayong tumungo sa di-hamak na mas magandang buhay para sa mga Pilipino.” bahagi ng mensahe ng Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply