Easter Sunday

IPINAGDIRIWANG ng mga Kristiyano ang resurrection o muling pagkabuhay ni Hesukristo tuwing Easter Sunday o Pasko ng Pagkabuhay.

Ngayong taon, bukas (Abril 8) papatak ang Easter Sunday. Ito rin ang hudyat na tapos na ang Holy Week o ang lent season.

Nakasaad sa bibliya ng mga Kristiyano na muling nabuhay si Hesus tatlong araw pagkalipas na mamatay Siya sa krus (Good Friday o Biyernes Santo) upang tubusin ang kasalanan ng sanlibutan.

Tuwing madaling araw ng Pasko ng Pagkabuhay idinadaos ng maraming Katolikong simbahan sa bansa ang tinatawag na “salubong” o ang muling pagkikita nina Hesus at ng kanyang ina na si Maria.

Magsasagawa ng prusisyon ang mga Kristiyano kung saan pagsasalubungin ang rebulto ni Hesus at ni Mama Mary. Ang prusisyon ay magtatapos sa simbahan at susundan ng isang misa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply