Eastern Samar mayor sinibak sa pwesto

ISANG dismissal order ang inilabas ng Office of the Ombudsman para tuluyang sibakin sa pwesto si Taft, Eastern Samar Mayor Francisco Adalim nang hatulan ng guilty sa kanyang kasong administratibo na isinampa ng Civil Service Commission (CSC) sa Eastern Visayas.

Ang nasabing pagsibak ay ipinamahala ni Deputy Ombudsman Pelagio S. Apostol kay Interior and Local Government (DILG) Regional Director Pedro Noval bagamat maaari pang umapela si Adalim sa kanyang kaso sa Court of Appeals.

Bago ang pagpapasibak nauna nang pinatawan ng six-month preventive suspension ang opisyal sa kanyang mga kasong oppression, gross neglect of duty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply