EB Babe Mergene nagtatago? (Nagpaiwan sa America para makaiwas sa intriga?)

NAWAWALA sa eksena si Mergene yung EB Babe na nali-link kay Jose Manalo at sinasabing siyang naging dahilan kung bakit tuluyan na niyang iniwan ang kanyang pamilya. Sobrang conspicuous ang absence nito at pag nagtanong ka sa mga Eat Bulaga people, extended vacation daw ang dahilan.

Tuloy, ang one plus one ng ilang scribes, tuluyan nang pinakisamahan ni Jose si Mergene at itinago na lang ito.

Puwedeng nasa US pa si Mergene sa ngayon at baka dun muna nagtatago. Kasi nga naman, kapag nabuking na true ngang nagsasama sila, baka pumabor ang korte kay Analyn sa hinihiling nito.

So far, mukhang imposible ang hinihingi ni Analyn sa korte na di kayang ibigay ni Jose. Napabalita kasing stand still ang dapat sana’y negosasyon sa korte kaya muling maghaharap ang dalawa para ayusin ang gusot.

Meanwhile, abangan natin ang paglutang ni Mergene para mapasubaliang talagang hindi siya ang dahilan ng gulo sa pamilya ni Jose Manalo.

At sabi nga di nagkaayos ang pag-uusap ng mga kampo.

Anna Lyn’s legal counsel Atty. Lowell Fetizanan pointed out a “lack of resentment” from the Eat Bulaga host and comedian.

“Unfortunately nga, walang nagso-sorry so walang amicable settlement na na-reach,” sabi pa ng abugado.
Jose, on the other hand, claims that reaching the missed settlement required a significant amount of his income.“Ayaw ipaayos, hindi na iniintindi kung ano…Parang lahat nu’ng kailangang kitain ko nandoon. Kailangan ko ring mabuhay.”

The complaint, a violation of the Republic Act 9262 or Anti-Violence against Women and Children Act, was formally filed on February 27 of this year.

The two are set to meet again in court later this month.

And speaking of Jose manalo, hindi nagsasawa ang mga taong panoorin ang tandem nila ni Wally Bayola sa Juan For All, All For One, isa sa segment ng Eat Bulaga na laging inaabangan ng TV viewers.

Hindi ba’t katatapos lang mag-concert ng dalawa sa Smart-Araneta Coliseum na halos magiba ang stadium dahil sa dami ng nanood, this time, back to concert sina Jose at Wally ‘di nga lang sa Araneta kundi sa Zirkoh Tomas Morato at produced ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC). Ito ay fund raising show, titled All For The Love Of Juan (A Summer Special), 9 p.m. Ang kikitain ay idagdag sa pondo para sa medical assistance program ng club.

Makakasama nina Wally at Jose ang maganda at napakahusay na TV host na si Toni Gonzaga na hindi rin magpapatalo kung ganda ng boses ang pag-uusapan. Kilala ang dalawang komedyante sa pang-ookray kaya ang tanong, kakayanin ba ni Toni ang okray ng gagawin ni Jose at Wally sa kanya?

Nariyan din sina Rocco Nacino, Albie Casiño at Steven Silva. Maghahandog din ng awitin sina Michael Pangilinan, DK Valdez, The Frontmen at Divalet.

Kasabay ng fund raising show ay ilo-launch na rin ng club ang PMPC website na gawa ni Jojo Villaraza.

Ani Pangulong Roldan Castro, “kaya natin ginawa ang website ng PMPC ay para magkaroon ng komunikasyon sa buong mundo, hindi lang sa ating bansa. Maihahatid natin ang nangyayari at balita sa entertainment world. Updated din nilang mapapanood ang mga events at activities ng club.”

Para sa iba pang detalye, tumawag sa SM tickets– 4702222 o ‘di kaya sa PMPC office 7100352, or cp#09215498931.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>