Ecleo guilty sa pagpatay sa sariling misis

HABAMBUHAY na pagkakakulong ang ibinabang hatol kay Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA) supreme master at Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr. sa  pagpatay sa kanyang misis na si Alona Bacolod.

Sa pagbasa ng desisyon, maliban sa pagkabilanggo ng hanggang 40 taon ay pinagbabayad din si Ecleo ng moral damages, exemplary damages, attorneys fee, endurated expenses at temperate damages na aabot lahat sa P25.6 million.

Bago ibinaba ang hatol, mahigpit na seguridad ang ipinairal para kay RTC Judge Soliver Peras, may hawak sa kaso. Ipinagbawal ang camera at mga media sa loob ng korte.

Napag-alaman na dumalo sa pagbasa ng hatol ang pamilyang Bacolod at ang mga kasapi ng Crusade Against Violence na pinangungunahan ni Thelma Choing.

Dagdag dito, ilang miyembro rin ng PBMA ang dumating kung saan pinayagan lang sa korte ang 20 supporters sa bawat grupo na makapasok sa sala ng hukom.

Naging emosyunal naman ang pamilya Bacolod sa resulta ng hatol sa kasong kanilang ipinaglalaban may 10 taon na ang nakalilipas.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply