Ecowarriors may bagong kakampi

MAY panibagong kasama ang apat na mga kilalang pangalan na bumuo ng isang kilusan para protektahan ang kalikasan at bantayan laban sa mga walang pakundangang sumisira rito.

Kagabi, sa paglulunsad ng Laban Para sa Kalikasan concert series sa Valenzuela Astrodome, pormal na inihayag ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian ang pag-anib sa Pilipinas Ecowarriors na binuo nina dating senador at environmentalist Juan Miguel Zubiri, basketball star at celebrity Chris Tiu, singer/artist Rico Blanco, at TV host/veterinarian Doc Nielsen Donato.

“As the mayor of a highly urbanized city which is heavily industrialized, it prompted me to formulate initiatives for the caring of the environment, especially, those areas in our city that needs to be preserved and protected,” ayon pa kay Gatchalian.

Aniya, matagal na siyang nagsusulong ng pangangalaga at pagpreserba sa kalikasan at sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), mahigpit nilang minamanmanan ang mga industriya sa kanilang nasasakupan upang mabatid kung nakakasunod ang mga ito sa pamantayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ikinatuwa naman ni dating Senador Zubiri at ng buong organisasyon ang pagsali at pagsuporta ni Gatchalian sa Ecowarriors.

“Ecowarriors is an online movement, an organization that will increase the awareness of Filipinos on environmental issues and laws, encourage them to take concrete actions for the environment, and report abuses or violations of our environmental laws, especially through the use of the internet or social media,” paliwanag ni Zubiri.

Naroroon din sa naturang aktibidad ang mga kinatawan ni DENR Secretary Ramon J.P. Paje na sina Environment Management Bureau (EMB) Director Juan Miguel Cuna at EMB National Capital Region Director Roberto Sheen.

Tiniyak naman ni Director Cuna na susuportahan ng DENR ang Ecowarriors sapagkat para rin sa kalikasan ang kanilang isinusulong na adhikain.

“Ang Pilipinas Ecowarriors ay mangangalap ng impormasyon at mga sumbong na ipaparating naman natin sa DENR at sila naman ang magpapatupad ng batas pangkalikasan,” dagdag pa ni Zubiri na dating chairman ng Senate Committee on Environment and Natural Resources.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply