Energy Summit sa Mindanao tututukan

PAGKATAPOS ng Semana Santa ay sisimulan na ni Pangulong Benigno III ang Energy Summit sa Mindanao.

Sa katunayan ay may tentative date na ang Malakanyang sa usapin subalit ayaw pa munang ibahagi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ang nasabing petsa ng Energy Summit ngunit ang sigurado aniya ay gagawin ito matapos ang Mahal na Araw.

“Pagbalik po kasi ng Pangulo galing po sa Phnom Penh ang gusto ho niyang tutukan muna ay ‘yung pag-alis—eksakto po kasi pagbalik po ng Pangulo bukas ng gabi which is Wednesday, eksakto po ‘yon doon sa normal na pag-alis ng ating mga kababayan palabas po ng Metro Manila at babantayan din po natin ‘yung pagbalik sa simula po ng linggo at ng Lunes dahil holiday po ‘yung April 9,” anito.

SA kabilang dako, hindi nakalilimutan ni Pangulong Aquino ang kanyang pangako na pagsusulong sa renewable energy na makatutulong upang matugunan ng pamahalaan ang krisis sa suplay ng kuryente.

Muling pinaalalahanan naman ng Department of Energy (DoE) ang mga liquified petroleum gas (LPG) dealers kaugnay sa pagpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produkto.

Sinabi ni DoE-Oil Industry Management director Zenaida Monsada, inihayag ng opisyal na dapat hindi bababa sa P100 kada 11 kilogram na tangke ng LPG, ang mangyayaring bawas sa presyo.

Bagama’t noong nakaraang linggo pa nagsimula ang pag-rollback sa presyo, inihayag ni Monsada na magsasagawa umano sila monitoring para matiyak na sumusunod ang mga negosyante.

Nauna rito, tiniyak din ng DoE na walang mangyayaring pagtaas sa presyo ng diesel ngayong Semana Santa habang magiging minimal naman ang epekto kung mayroong pagbabago sa presyo ng gasolina.

Ang sinasabing pagkalma ng presyuhan ng petroleum products sa world market ang nagpatatag ng presyo ng produkto sa lokal na merkado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply