‘Epal’ bawal sa Pantawid Pamilya Promo Material’

IBINABALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahaharap sa suspensiyon ang mga opisyal ng local government na maglalagay ng litrato at pangalan sa posters o streamers, lalo na sa mga anunsyo ng mga aktibidad na may kinalaman sa programa ng gobyernong Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ayon kay DILG Secretary Jesse Robredo, nagpalabas siya ng utos sa mga gobernador at mga alkalde ukol sa nasabing polisiya batay na rin sa National Advisory Committee ng Pantawid Pamilya.

Ang  komite ang nag-ulat na ang mga litrato at mga pangalan ng lokal na opisyal ay nakikitang naka-display sa mga anunsyo at posters ng mga Pantawid Pamilya Program promo meterials.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program na kilala rin sa tawag na Conditional Cash Transfer Program (CCT) ay ang sentro ng poverty reduction program ng pamahalaan na pinamumunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay naglalayong pagaanin ang buhay ng mga mahirap na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash grants ng hanggang P1,400 sa mga indigent na pamilya na mayroong anak na edad katorse pababa.

Bilang sukli, ang mga mabebenipisyuhan ay kinakailangang pag-aralin ang kanilang mga anak at ang mga ina ay kinakailangang sumailalim sa regular na prenatal o postnatal care.

Inihayag din ni Robredo na ang convergence strategy ay naglalayon na pabilisin ang implementasyon ng poverty reduction programs at ang rationalization ng mga pondo ng lokal na gobyerno na kalimitang inaangkin ng “epal” na mga opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply