EPIRA, sinisi ni Joker sa Mindanao power crisis

WALANG ibang sinisisi si Sen. Joker Arroyo sa lumalalang krisis sa kuryente sa buong Mindanao kundi ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA Law) hindi si Pangulong Benigno III dahil naging inutil ang batas.

“You cannot blamed the president on the power crisis in Mindanao, kasi matagal nang problema iyan, and the net result of the EPIRA, their goals is to lower the cost of electricity, and lessen the debts of the government, but it was not achieved, but it became worst because the cost of electricity is higher, and our debts has ballooned,” ayon kay Arroyo.

Ayon kay Arroyo, isinabatas ang EPIRA noong 2001, isa sa pangunahing panukalang napagpasyahan ng Kongreso sa pamumuno ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na may simpleng adhikain na ibaba ang halaga ng kuryente at mabawasan ang pagkakautang ng National Power Corporation (Napocor).

Sinabi ni Arroyo na sa halip bumaba ang halaga ng kuryente, at mabawasan ang utang ng Napocor, nanatiling pinakamataas ang presyo ng kuryente sa bansa sa buong Asya kundi man sa buong mundo.

“Ibenta ang assets ng Napocor, para mabawasan, wag na nating i-discuss ang nangyari in between, ano ang nangyari sa power rates,  mas nagmahal ang power rates, hindi nababaan, bagkus nagmahal pa, not only that, nagkaroon ng shortage pa, like sa Mindanao, now the goal to lower the coast of electricity,  hindi na-achieve, at worst, nagkaroon pa ng shortages, utang ng Napocor, lumaki, inilipat pa sa gobyerno ang ibang utang nila. Nailipat ang mga utang ng Napocor sa mga company na nilikha ng Epira,” paliwanag ni Arroyo.

Sa kasalukuyang problema sa Mindanao, sinabi ni Arroyo na walang kakapusan ng enerhiya sa Mindanao noong naisabatas ang EPIRA dahil may sobrang produksyon ng elektrisidad ang isla mula sa Independent Power Producers (IPP).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply