Erap hindi na tatakbong mayor sa Maynila

POSIBLENG hindi na tatakbo sa pagka-alkalde ng Maynila sa nalalapit na eleksyon sa 2013 si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ito ay kasunod ng maugong na tunog na tatakbo sa pagka-alkalde ng Maynila si Estrada laban kay Manila Mayor Alfredo Lim.

Sinabi ni San Juan Rep. Joseph Victor “JV” Ejercito na wala nang kailangan pang patunayan ang kanyang ama sa balak na pagtakbo nitong muli sa pulitika.

Aniya, kahit noong 2010 Presidential Election ay sapat nang patunay na mahal at may tiwala pa rin ang taumbayan sa dating presidente ng Pilipinas.

Dagdag nito, sa boto pa lamang na nakuha ng kanyang ama na halos 10 milyon ay pinapakita lamang na umaapaw pa rin ang suporta sa kanya ng publiko kahit hindi

nagwagi sa nakalipas na halalan.

Paliwanag pa nito, ang pagtakbo ni Erap sa nakalipas na eleksyon ay bindikasyon lamang o pagtutuwid sa ginawang pang-aagaw ng kapangyarihan sa kanya ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Para sa kanya ay mas makabubuti kung ito ay magpapahinga na at mag-aalaga na lamang sa kanyang mga apo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply