Ex-barangay chairman nilikida sa Pasay

PATAY sa pananambang ang isang dating barangay chairman sa Pasay City kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Joseph Saria, 41, residente ng P. Villanueva St, ng naturang lungsod.

Sinubukan pang isalba ang buhay ni Saria sa San Juan de Dios Hospital ngunit binawian rin ng buhay sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 pistol sa ulo at dibdib.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Ronald Prades ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), naganap ang insidente dakong 6:35 ng umga sa kanto ng P. Villanueva at Park Avenue Pasay
City.

Lulan ng kulay puti at asul na motorsiklo (1233-TO) ang biktima nang sundan ng dalawang hindi pa nakilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Bigla na lamang binaril sa ulo at dibdib ang biktima.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply