Ex-bgy. captain itinumba sa Pasay City

MULI na namang nadagdagan ang talaan ng Philippine National Police (PNP) sa sunod-sunod na kaso ng pamamaril at pagpatay na sangkot ang mga “riding in tandem” sa bansa makaraang pagbabarilin ng armadong lalakiang isang dating barangay chairman kaninang umaga sa Pasay City.

Isinugod pa sa San Juan de Dios Hospital si Joseph Saria, 41, ng 2495 Villanueva St., subalit hindi na umabot nang buhay sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45  baril sa likurang bahagi ng katawan na tumagos sa kanyang dibdib.

Si Saria ay kasalukuyang naglilingkod bilang barangay kagawad ng Barangay 88 Zone 9 matapos ang kanyang termino bilang barangay chairman.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Ronald Prades ng Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, naganap ang insidente ng pamamaslang alas-6:35 ng umaga sa kanto ng Villanueva at Park Avenue sa naturang lungsod.

Sakay ng kanyang asul at puting motorsiklo (1233-TO) si Saria patungo sa San Rafael Church nang harangin ng mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo pagsapit sa naturang lugar at kaagad pinaputukan sa ulo at dibdib.

Mabilis na tumakas ang mga salarin na kapwa nakasuot ng jacket at full face helmet patungo sa hindi nabatid na lugar matapos pulutin pa ng isa ang basyo ng bala mula sa ginamit na baril.

Napag-alaman na sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang barangay chairman, naglunsad ng malawakang kampanya si Saria laban sa drug users at drug pushers na naging sanhi upang kamuhian siya ng malaking sindikato ng illegal na drogal.

Gayunman, sinabi ni Pasay police chief Sr. Supt. Melchor Reyes na inaalam pa nila kung may kinalaman ang maigting na kampanya laban sa droga ng biktima sa nangyaring pamamaslang o may bahid pulitika lalo na’t may mga humahadlang sa kanyang muling pagtakbo bilang kabesa sa susunod na halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply