Ex-bgy. chairman itinumba sa Las Piñas

PATAY ang 52-anyos na dating barangay chairman nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin habang nakatayo ang nauna sa mataong lugar sa isang plaza sa Las Pinas City, Sabado ng hapon.

Namatay noon din sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at katawan si Ramon Ignacio, dating kabesa ng barangay sa Zapote 3, Bacoor Cavite.

Mabilis namang tumakas ang hindi nakilalang suspek patungo sa San Isidro, Zapote makaraan ang pamamaslang.

Sa ipinadalang ulat ni Chief Insp. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office ng Southern Police District (SPD), nangyari ang insidente ng pamamaslang alas-4:05 ng hapon habang nasa Zapote Plaza ang biktima.

Sa pahayag ng testigong si Richard Suliman sa pulisya, bigla na lamang sumulpot sa likuran ni Ignacio ang suspek at hinablot ang suot na t-shirt nito bago pinaputukan sa ulo at katawan.

Sinabi ni Suliman na nakasuot ng orange na t-shirt, maong pants at nakatakip ng panyo ang mukha ng suspek na tinatayang nasa pagitan ng 40 hanggang 45 ang edad.

Hindi naman makapagbigay pa ng pahayag sa pulisya ang asawa ng biktima na si Imelda, 43 upang malaman kung ano ang motibo sa pamamaslang dahil na rin sa labis na pagkabigla sa pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply