Ex-Palawan Gov. Reyes pinasusuko ng obispo

PINASUSUKO na sa batas si dating Palawan Governor Joel Reyes upang harapin ang mga kasong ibinibintang sa kaniya.

Si Reyes ay tinutugis ng batas matapos akusahang utak sa pagpaslang sa mamamahayag at environmental advocate na si Dr. Gerry Ortega.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, hindi na dapat pang palalain ni Reyes ang kanyang kaso.

Giit ng Obispo, kung talagang walang kasalanan ang dating gobernador ay dapat humarap siya sa batas at patunayang mali ang mga akusasyong ipinupukol sa kanya.

Binigyang-diin pa ng Obispo na ang pagtakas ni Reyes sa batas ay senyales lamang ng pagiging guilty sa kaso.

Nangangamba rin naman si Bastes na lalong malalagay sa alanganin ang seguridad at buhay ni Reyes sa patuloy na pagtatago sa batas lalo at mayroong ipinag-utos na manhunt operation laban sa kanya ang awtoridad.

Kasabay nito, hinamon din ng Obispo ang mga awtoridad na gawin ang kanilang tungkulin para mahuli ang nagtatagong dating gobernador ng Palawan at iharap sa hukuman.

Nanindigan ang Obispo na dapat lumabas ang buong katotohanan sa kasong pagpatay kay Ortega para mabigyan siya ng hustisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply