Ex-teacher na may sakit sa pag-iisip tusta sa sunog

NASAWI ang isang dating teacher na sinasabing may sakit sa pag-iisip sa sunog sa may Barangay Marulas, Valenzuela City kaninang umaga, Abril 10.

Nabatid na sunog ang katawan ng biktimang si Marivic Meneses, 52, dating teacher sa Marulas Elementary School nang matagpuan sa second floor ng kanilang bahay.

Halos kalahating oras lamang tumagal ang sunog na nagsimula bago ang alas-8:00 ng umaga sa may bahagi ng Magsaysay Street.

Nagising na lamang ang mga nakatira sa bahay nang malaki na ang apoy sa second floor kung saan hindi na nakalabas pa ang nasawi.

Wala namang ibang bahay na nadamay sa sunog at inaalam pa ang pinagmulan nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply