Export and Industry Bank ipinasara ng BSP

MAGPAPALABAS ngayon ng kautusan ang Bangko Sentral ng Pilipinas na ipasara na ang Export and Industry Bank dahil hindi na kayang pagsilbihan ang malalaking depositors.

Ayon pahayag ng BSP Deputy Governor, nagbigay na ng anunsyo ang Export and Industry na hindi na nila masisilbihan ang malalaking depositors.

Sa kasalukuyan suspindido na ang lahat ng transaksyo ng bangko sa lahat ng sangay nito sa buong Metro Manila pati na sa probinsya.

Agad namang kumilos ang monetary board para maprotektahan ang mga depositor kaya inabisuhan na rin ang PDIC na siyang nag-take over sa bangko para maayos ang pamamahagi ng deposito ng ng mga depositor.

Ang Export and Industry Bank na ang main office ay nasa No. 520 Quintin Paredes, Maynila, ay isa sa maliit na commercial bank sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply