Fact finding sa NBP anomaly tapos na

HAWAK na ni Justice Secretary Leila de Lima ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa anomalya sa New Bilibid Prisons o NBP.

Ito ang inamin ngayon ng kalihim bagamat ayaw pa nitong isapubliko ang resulta dahil hindi pa niya nababasa ang nilalaman nito.

Ang panel na nagsagawa sa imbestigasyon ay pinangasiwaan ni Muntinlupa City Prosecutor Eduard Togonon.

Maliban dito, ani De Lima, hihingi muna siya ng clearance mula kay Pangulong Noynoy Aquino III bago ihayag ang resulta sa media.

Sa nakalap na impormasyon, mananagot ang isang mataas na opisyal ng NBP at miyembro ng Bids and Awards Committee sa anomalya.

Samantala, nabatid na ang whistleblower na si Kabungsuan Makilala, dating prison at dating member ng BAC ay pansamantalang umuwi muna sa kanilang lalawigan dahil na rin sa bantang natatanggap.

Kabilang sa mga reklamo ni Makilala laban kay Bureau of Corrections Director Gaudencio Pangilinan ay ang  hinati-hating procurement sa mga proyekto upang walang maganap na bidding, pagpapaputol sa 50 puno na 100 taon na ang edad nang walang pahintulot mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply