‘Fallin’ ni Alicia Keys kinanta ni Jessica sa performance night

SA PERFORMANCE night ngayon (umaga sa Pilipinas), unang kinanta ni Jessica ang hit song ni Alicia Keys na “Fallin.'”

May temang “Now and Then” ang performance night ngayon kaya inaasahan na kakanta pa ng isa ang mga idol hopeful.

Nagustuhan ni Idol judge Jennifer Lopez ang rendition ni Jessica ng Fallin.

“The way you play with songs is crazy. I am glad we used the save on you.” dagdag pa ng singer-actress.

Pananaw naman ni Randy Jackson na hindi pa alam sa ngayon ni Jessica kung gaano siya kahusay na singer.

“You don’t really know how good you really are. Brilliant.” wika pa ni Jackson.

Umaasa rin si Randy na iboboto ng Amerika ang dalaga.

Sinabi naman ni Idol judge Steven Tyler na: “With talent like yours, you have a right to get mad at a song … that was the passion that you released.”

Narito ang kinanta ng iba pang Idol hopefuls:

Colton Dixon- Bad Romance ni Lady Gaga
Skylar Laine- Born This Way ni Lady Gaga
Phillip Phillips- U Got It Bad ni Usher
Joshua Ledet- I Believe ni Fantasia Barrino
Hollie Cavanagh- Rolling in the Deep ni Adele

Noong isang linggo, isang madramang eviction night ang naganap, kung saan pauuwiin na sana si Jessica matapos makakuha ng pinakamababang boto ngunit pinili ng tatlong judge na gamitin ang kanilang one time “save.”

Dahil sa ginamit ng judges ang one time save, inaasahan na dalawa ang pauuwiin bukas sa eviction night.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply