Fare discount sa barangay officials isinusulong

KAPAG naisabatas na ang House Bill No. 5903, mabibigyan na ng diskuwento sa pamasahe ang barangay officials at health workers tulad ng ibinibigay sa mga estudyante at senior citizens.

Minamadali na ni Rep. Ma. Theresa Bonoan-David (4th Dist., Manila) na maisabatas ang kanyang panukala para magkaroon ng benepisyo ang mga kasalukuyang nakaupong barangay chairman, kagawads, councilmen, barangay secretaries, treasurers at SK chairman at health workers.

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng opisyal ng barangay sa panahon ng kanilang panunungkulan at barangay health workers ay bibigyan ng 20% diskuwento sa pamasahe.

Sa ilalim ng panukala, ang DOTC sa pakikipag-ugnayan sa DILG ang mangangasiwa sa kakailanganing mga alituntunin at  regulasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply