Fast craft na tumagilid sa Cebu ligtas na – PCG

LIGTAS nang nakarating sa Bohol station ang isang fast craft na bahagyang tumagilid habang naglalayag sa karagatang sakop ng Cebu City kaninang hapon.

Sa nakarating na ulat kay Philippine Coast Guard (PCG) spokeperson Lt. Commdr. Algier Ricafrente, alas-3:00  kaninang hapon nang umalis sa Cebu port ang fast craft dakong alas-4:49 nang magkaaberya ito.

Ayon naman kay Station commander Rolando Punsalan, ligtas namang nakarating sa destinasyon nito sa Bohol ang nagkaaberyang fast craft at wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply