Fertilizer fund scam bubuhayin ng CoA, OMB

MULING bubuhayin ng Commission on Audit (COA) at Office of the Ombudsman (OMB) ang mga nakatenggang kaso na matagal nang hindi naaaksyunan.

Sa isang press conference, matapos ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOAS) sa pagitan ng COA at Ombudsman ay inamin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na kabilang sa magiging prayoridad ng binuong team ay ang dekada ng Fertilizer Fund Scam.

Ani Morales, sangkot sa usapin ang maraming opisyal ng nagdaang administrasyon ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang MOA ay nilagdaan sa pagitan nina Morales at COA Chairperson Ma. Gracia Pulido Tan kung saan ang mga kabilang sa COA-OMB Joint Investigation Team at sa COA premises ang magkasamang magtatrabaho na ang layunin ay “madaliin ang mga nakatenggang kaso” ukol sa katiwalian ng government officials.

Tiwala naman si Tan na bago pa man isampa ang kaso sa Sandiganbayan ay matibay na ang mga ebidensyang nakalatag upang hindi maibasura lamang.

“We are constitutionally mandated in our respective capacities to ensure accountability and integrity in public office.We will thus attend to these cases with the highest degree also of accountability and integrity,” ayon naman kay Tan.

Parehong mangunguna sa COA-OMB Joint Investigation Team sina Chief Executive Staff Atty. Gilbert G. Kintanar mula sa COA, at Deputy Special Prosecutor John I.C. Turalba mula naman sa OMB.

Sinabi pa ni Tan na karamihan sa mga nauupuang kaso ay dahil kulang ang ebidensya kaya ngayon bago pa mapunta sa basurahan ay build-up na ang kaso dahil pagtutulungan itong gawin ng team at hindi na maidadahilan ang pagkawala ng file dahil iisang tanggapan na ang pagtatrabahuan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply