Fetus bumara sa inidoro ng SM Fairview

ISANG fetus ang nadiskubre makaraang bumara sa toilet bowl ng isang comfort room malapit sa food court ng main building sa SM Fairview, Quezon City sa ulat ng pulisya.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation Detection Unit, natagpuan ang fetus alas-5:15 ng hapon kahapon, Abril 18, sa comfort room malapit sa food court ng SM Fairview sa Regalado Corner Quirino Highway.

Isang Laarni Valero ang nakapansin sa fetus sa loob ng bowl na muntik niyang mai-flush kung kaya agad siyang humingi ng tulong sa maintenance personnel ng SM Fairview.

Isang Sheila Sorano ang kasalukuyan ngayong hanap ng pulisya para pagpaliwanagin dahil sa natagpuang fetus sa naturang toilet bowl.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply