Fetus itinapon sa gate ng gusali ng COA

ISANG walong-buwan gulang na fetus ang natagpuan sa gate ng Commission on Audit (COA) sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, kaninang 6:55 ng umaga.

Ayon kay SPO1 Rolando Lopez ng Quezon City Police District station 6 Batasan, nagwawalis ang street sweaper na si Hazel Mahiya sa naturang lugar nang matagpuan nito ang isang kahon.

Dahil inakalang basura ang napulot na kahon ay nagpasya si Mahiya na itapon na ito ngunit laking gulat nang madiskubre na fetus ang nakasilid dito.

Agad nitong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang natagpuan at kasalukuyang nag-iimbestiga na ang mga tauhan ng QC police.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply