Fetus itinapon sa tabi ng simbahan

TINATAYANG nasa edad na pito hanggang walong buwan ang fetus na natagpuan sa gilid ng simbahan sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa ulat ngayong umaga.

Nakabalot pa ng damit at isinilid sa isang kahon nang makita ito ng ilang bystanders sa may tabi ng St. Peter and Paul Parish Church sa bayan ng Calasiao sa nasabing lalawigan.

Sa report, isang Mandy Rosario, 21, residente ng Barangay Bued ang nag-report sa pulisya hinggil sa nakitang fetus matapos na mapansin nila ang isang kahon na nakalagay lamang tabi ng simbahan.

Bagamat umaalingasaw na ang amoy ng fetus ay hinihinalang bagong abort pa lamang ito dahil sariwa pa ang bakas ng dugo.

Inilibing na ang fetus habang patuloy na inaalam ng pulisya ng Calasiao kung sino ang mga magulang nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply