Filipino-Chinese utas sa tarak sa Tondo

TODAS ang 25-anyos na Filipino-Chinese matapos pagsasaksakin ng hindi nakilalang lalaki kagabi sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Richard Tan, miyembro ng Commando Gang at residente ng Gate 56, Area D, Parol Compound, Tondo, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng tumakas na salarin.

Sa report, 8:50 kagabi nang matagpuan ang biktima sa Gate 56, Area D, Parola Compound.

Nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga tauhan ng  Delpan–PCP sa lugar, nang madaanan ang naghihingalong biktima na nakahandusay sa kalsada at may tarak ng patalim.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply