Food shortage sa Pilipinas ibinabala

IBINABALA ng isang senador na posibleng magkaroon ng food shortage sa bansa kung hindi mapipigil ang paglobo ng populasyon sa Pilipinas.

Ginawa ni Sen. Panfilo Lacson ang babala matapos ilabas ng National Statistics Office (NSO) ang resulta ng kanilang census of population and housing noong 2010 na umaabot na sa 92.3 milyon.

Ayon kay Lacson, sa paglobo ng populasyon ng bansa ay kailangan na talagang isabatas ang Reproductive Health (RH) bill upang maiwasan ang negatibong epekto ng paglaki ng populasyon ng isang maliit na bansa.

“Dapat talagang isulong ang pagpapasabatas ng RH bill dahil ang carrying capacity ng bansa ay may limitasyon,” babala ng senador sa isang text message.

Ang RH bill ay pansamantalang naisantabi nang lumarga ang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Bagamat nasa plenary debate na ang nasabing panukala, wala pang kasiguruhan kung kailan matatapos ang interpelasyon ng mga senador sa principal sponsor ng panukala na sina Sen. Pia Cayetano, chair ng Senate committee on health and demography at Miriam Defensor Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply