Football player inatake sa puso sa gitna ng laban, patay

ISANG trahedya ang naganap sa Italian Football nang mamatay ang isang manlalaro matapos atakehin sa puso habang nasa gitna ng laro.

Base sa report, tatlong sunod na ulit na bumagsak si Livorno Midfielder Piermario Morosini, 25 sa football field, sa ika-31 minuto ng laban ng kanyang team sa Pescara sa Division 2.

Tumulong naman agad ang medical workers sa dating Italian youth national team player at agad na itinakbo sa pinakamalapit na ospital.

Ngunit, hindi na umabot nang buhay ang manlalaro na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Hindi na rin tinapos pa ang nasabing laro ng Italian Football Association.

Sinuspinde na rin nila ang lahat ng mga naka-iskedyul na laban ngayong weekend.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply