Frozen meat delikado ngayong summer — NMIS

DELIKADONG bumili at kumain ng frozen meat ngayong sobra ang init ng panahon, ito ang babala ngayon ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa publiko.

Patikular na tinukoy ng NMIS ang mga imported na karne ng baboy at manok na nabibili sa mga supermarket.

Ayon kay NMIS Director Jane Bacayo, batay sa kanilang pagsusuri, isa sa bawat 100 kilo ng imported meat ay kontaminado.

Hindi pa umano malinaw kung paano nakontamina ang frozen meat, ngunit maaaring sa pag-transport o storage ng mga karne nagkaroon ng microorganisms ang mga ito.

Pwede umanong hindi maayos ang pagsasalansa ng mga karne sa freezer kaya nakalulusot ang mikrobyo.

Ani Bacayo, batay sa kanilang monitoring, ang mga karne mula France, US, Canada at European Union ang nakapagtala ng kontaminasyon.

Wala namang ulat ng kontaminasyos sa lokal na karne, ngunit hindi umano sila tumitigil sa kanilang monitoring upang matiyak na ligtas ang mga karne sa merkado.

Hindi rin umano nila palulusutin ang mahuhuling supermarket na nagbebenta ng kontaminadong karne.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply