Gail idiniin ni Janelle Manahan sa Ramgen slay

MAKARAANG sumailalim sa isang oras na clarificatory hearing, idiniin pa rin ng dating aktres na si Janelle Manahan na may kaugnayan sa pamamaslang sa kanyang kasintahang si Ramgen Revilla ang kapatid nito na si Gail Bautista at mister nito.

Sa pag-uusap, hiniling ni Atty. Jose Caringal, abogado ni Ragelyn Gail Bautista-Furuyama, at Atty. Gerry Alberto, abogado ni Hiro Furuyama, na muling isalaysay ni Janelle ang sequence of events noong gabing napatay si Ramgen.

Walang gatol namang sinabi ng dalaga na ang pamamaril sa kanila ng kanyang kasintahan na si Ramgen ay pinagplanuhan ng magkakapatid na Bautista.

Iginiit din ni Janelle na concious siya noong nabaril hanggang sa maisugod sa ospital.

Nitong nakaraang taon ng Oktubre 28 nang mapatay ng dalawang nakamaskarang suspek si Ramgen sa loob ng bahay nito sa BF Homes, Parañaque, kung saan nabaril din sa mukha ang dalaga

Itinakda naman ang preliminary investigation sa Abril 30, alas-2:00 ng hapon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply