Gatchalian inendorso ni Erap

MUKHANG tuloy na tuloy na ang laban ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian Senado.

Ito ay matapos isama at ipakilala ito ni dating Pangulong Joseph Estrada sa gift giving na ginawa nito sa Tondo, Maynila, isang araw bago ang 75th b’day ng dating pinakamataas na lider ng bansa noong Miyerkules.

Sa tono ni Erap noong araw na iyon, isa si Gatchalian, kasalukuyan ding vice president ng League of Cities ng bansa, sa kanyang napipisil na suportahan sa Senado sa darating na 2013 election.

Bagaman wala ang pangalan ni Gatchalian, na kilalang Mayor Win ng Valenzuela City  sa senatorial line-up ng United Nationalist Alliance (UNA), ay tiyak itong maisasama sa ikokonsidera ng naturang koalisyon dahil bukod sa pag-endorso ni Erap, na isa kasama ni Vice President Jojo Binay sa naturang partnership’ ay hindi rin naman matatawaran ang ginawa nito sa Valenzuela na ngayon ay isa na sa pinamakamaunlad, pinakamalinis at magandang lungsod sa buong bansa.

Isa rin sa naging pinakamahalagang dahilan kung bakit iniindorso ngayon ni Estrada si Gatchalian ay ang naging pagtutok nito sa sektor ng edukasyon na kung saan sinimulan nito ang pagkalinga sa mga kabataang Valenzuelano simula sa pre –school pa lamang.

Buom-buong suporta ang ipinakita ni Gatchalian sa pagpapaunlad ng edukasyon sa kanyang nasasakupan at kitang-kita ito sa ka-nilang lugar. Simula sa mga gusali, libro at iba pang ayuda sa sektor ng edukasyon ay kanyang ginawa at iyan ang kanyang sandata para sa Senado.

Nakilala rin ang Valenzuela sa napakaraming award na natanggap nito mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at maging sa pribadong sektor.

Sa kasalukuyan ay kinilala rin si Gatchalian bilang isa sa mga Ten Outstanding Young Men ng bansa ngayong 2012 at siya rin ay nahalal bilang isa sa mga board of governors ng Philippine National Red Cross ngayon rin taon.

‘Yan siguro ang mga nakitang katangian ni Estrada kay Gatchalian kaya’t buo ang kanyang suporta rito dahil nasubaybayan niya ang paglaki nito at kung paano nito pinalago ang negosyo ng pamilya lalo’t higit ang ginawa nitong pagpapaunlad sa Valenzuela.

Sana hindi kilalang apelyido ang maging basehan sa gagawing pagpili ng UNA sa kanilang senatorial line-up dahil sayang ang isang katulad ni

Gatchalian na may kakayahan para maglingkod sa bayan.

oOo

Sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-email sa barangayanni_isko@yahoo.com

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply