Gaya-gaya puto maya

NAPAGKAMALAN si Daniel Padilla na sadyang ginagaya ang kilos at pananalita ng kanyang uncle na si Robin Padilla.

Robin na Robin kasi ang dating ng young actor na ito na kapareha ni Kathryn Bernardo sa Princess and I.

Pero say niya in one interview, hindi niya sadyang ginagaya ang kanyang Uncle Binoe at ganu’n na raw siya talaga kumilos.

“Pareho po ang apelyido namin kaya ganito kaming mga Padilla lahat,” say niya.

Ganu’n daw yata talaga ang kilos ng mga Padilla dahil kahit naman daw ang iba niyang tito at mga kapatid ay kapareho rin ni Robin na mag-aasta.

Dahil nga sa astig niyang kilos na kagaya ng Tito Robin niya, may nagsasabing bagay din siya sa action at palitan sa trono ang uncle.

Pero ayon sa bagets, gusto rin niyang ma-try ang lahat ng klase ng genre although sa ngayon, pa-wholesome-whole some muna siya.

Samantala, humataw sa national TV ratings at ang pilot episode ng teleserye nina Daniel, Kahtryn, Enrique Gil and Kalil Ramos na Princess and I.

Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ito ng 31.7 percent sa national TV ratings.

***

Valerie Concepcion ‘di type ang kasal

INAMIN ni Valerie Concepcion sa interview niya sa Kris TV na nag-propose na ng kasal ang long-time boyfriend niyang PBA player na si Dondon Hontiveros pero tinanggihan niya ito dahil hindi pa siya ready.

Bago ito, inamin din niyang dumaan sila sa cool-off period ni Dondon at kari-reconcile lang.

“Bago kami nagkabalikan, ‘yun ang kinukulit niya sa akin, ‘yung kasal. Kaso, ako naman ‘yung natsupe. Hindi pa ako ready. Hindi ko alam kung sinabi niya to win me back o gusto na niya, hindi ko pa alam,” sey ni Val sa panayam.

“Pero sinabi ko sa kanya na hindi pa ako ready. Kung magbabalikan tayo, tingnan natin kung mapupunta roon. Pero sa ngayon, hindi pa,” sey pa ni Val.

Ni-reveal din ng aktres na siya ang nag-initiate ng cool-off sa kanilang relasyon na tumagal ng three months, from November 2011 hanggang February this year.

Ayon kay Val, kinailangan niya ng space sa kanilang relasyon kaya nakipag-cool-off siya.

Well, feeling namin, may trauma pa talaga si Val sa nangyari sa kanya in the past kaya up to now, parang napapaso pa siya sa pagpapakasal.

Anyway, pagdating sa kanyang career, happy si Val na magiging regular pinchhitter siya sa Umagang Kay Ganda, kaya abangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply