Gerald Anderson inaamin na ni Sarah Geronimo

THIS early ay pinaghahandaan na ni Sarah Geronimo ang kanyang birthday blowout sa July para sa kanyang mga tagahanga.

Isang bongga at fabulous concert daw ang gagawin ng Pop Star Princess.

Matagal-tagal na rin ang huling concert ni Sarah kaya naman inaabangan na ng kanyang fans ang susunod niyang konsiyerto.

Ayaw pa nilang magbigay ng detalye para sa nasabing big concert ng singer/actress pero ayon sa manager niyang si Vic del Rosario, mamamangha ang mga manonood nito dahil sa mga kakaibang gagawin ni Sarah.

Siya rin ang kumanta ng theme song ng ABS-CBN summer station ID kasama ang nababalitang boyfriend niya na si Gerald Anderson.

May mga nagtatanong din kung sa birthday concert ba raw na ito aaminin na ni Sarah na sila na talaga ni Gerald.

Samantala, kasabay ng preparation sa big concert, abala rin ang dalaga sa pagsu-shoot ng movie nila ni John Lloyd Cruz na third installment bale sa naunang dalawang box-office hits nila na A Very Special Love at You Changed My Life.

Balitang July ang target play-date ng pelikula na ngayon pa lang ay hinihintay na ng marami.

May isa pang malaking endorsement si Sarah na dapat ding abangan.

***

Pinoy designer humahataw ang career sa Middle East

ISA na namang Pinoy ang kasalukuyang umaani ng tagumpay sa ibang bansa. Ito’y si Jules Quirante ngayon ay isang designer sa Dubai. Maraming parukyanong kapwa-Pinoy si Jules pero paborito rin ang kanyang mga designs ng mga banyaga especially ang mga kabataang taga-Dubai.

Sino ba si Jules Quirante?

Way way back, nangarap siyang makapasok sa showbiz. Sumasali siya sa mga acting workshops at natiyempuhan niya noon ang isang libreng acting workshop namin dito sa Toro noong araw. Matiyaga si Jules, hanggang maging bit player having had friends sa showbiz. Taga-Visayas siya at kahit noon pa man, lagi niyag sinasabing kung hindi siya magtatagumpay sa showbiz, papasukin niya ang ibang larangan.

Sa pagtungo nga niya sa Dubai, nabuksan ang isa pang bahagi ng kanyang buhay. Nabigyan nga siya ng break sa designing.

He made great waves sa ating mga kababayan doon and in fact, very well attended and very well-applauded ang mga maliliit niyang fashion shows sa mga sosyal na malls sa Dubai. Kalabisan nang sabihin naming naging matagumpay siya sa kanyang larangan.

“Tiyaga lang po, Tito, noon kamuntik na akong sumuko. Akala ko babalik na lang ako sa aming baryo. Pero dahil sa mga pangaral ninyo at suporta sa akin, heto, puwede naman palang magtagumpay ako,” pagmamalaki pa niya sa amin.

This June, balak ni Jules na umuwi ng Pilipinas pero ngayon pa lang nagpapatulong na siyang mag-coordinate ng isang launching fashion show. Ipakikita niya rito sa Pilipinas ang marami niyang creations. Kukuha siya ng mga Pinay models at kaugnay nito magpatawag kami ng go see tungkol dito.

We shall wait for Jules return, para lalo kaming makakuha ng detalye kung paano niya napagtagumpayan ang buhay na nakikipagkumpetensiya sa banyaga sa mismong bansa nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply