GF dinaan sa dahas, binata kalaboso

KULONG ang 20-anyos na binata matapos kasuhan ng panggagahasa ng kanyang nobya na kanyang dinaan sa dahas para mailugso ang puri sa La Union.

Kinilala ang suspek na si Archie Balinia, ng Ili Sur, San Juan, La Union, habang itinago naman sa pangalang Bea ang biktima.

Nabatid na Enero 1, 2012 nang lumuwas ang suspek pa-Maynila para maghanap ng trabaho ngunit nang umuwi sa kanilang bayan nitong Marso ay nagulat na lamang nang hulihin ng awtoridad dahil sa kasong rape.

Paliwanag ng suspek, hindi niya alam kung ano ang dahilan ng nobya sa pagpapakulong sa kanya gayong napagkasunduan naman nila ang kanilang ginawa noon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply