Ginagawang SM mall sa Gen San hinoldap: P300K natangay

INIIMBESTIGAHAN na ng pulisya ang panghoholdap sa ginagawang SM mall sa Bula, General Santos, kung saan natangay ang halagang umaabot sa P300,000.

Ayon sa pulisya, isang Gilbert Lagtao, 40, timekeeper at warehouseman ng naturang mall ang nagsabing pinasok sila ng dalawang armadong lalaki at tinutukan sila ng kalibre .45 baril.

Naganap ang panghoholdap habang nagpapasuweldo sa mga trabahador kung kaya madaling nakuha ang nabanggit na halaga.

Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply