Gloria Arroyo nag-bday party sa VMMC

IDINAOS ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang ika-65 kaarawan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Aypn kay dating first gentleman Jose Miguel Arroyo, hindi na sila nag-imbita ng bisita sa pagdaraos ng karawan ng kanyang maybahay pero kasamang dumalo sa birthday ang kanyang mga anak na sina Ang Galing party-list Rep. Juan Miguel Arroyo; Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo; Ma. Evangeline Arroyo-Bernas at mga apo

Dumating din sa okasyon ang ilang kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Ang handa ni Gng. Arroyo ay nagmula sa kanilang bahay sa La Vista, dahil hindi sila makapagluto sa loob ng ospital..

Ayon pa kay Ginoong Arroyo, ang dining room ay ginawa sa isang malaking espasyo malapit sa sa ospital suite.

Magugunita na Mrs. Arroyo ay nasa  detention sa VMMC mula pa noong November kaugnay sa kasong electoral sabotage.

Hindi pa umano ganap na nakare-recover si Gng. Arroyo sa kanyang karamdaman at pananakit ng gulugod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply