GMA dumalo sa arraignment kahit may sakit

KAHIT masama ang pakiramdam ay dumalo pa rin sa arraignment si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaninang umaga.

Matapos mag-plead ng “not guilty” si GMA sa kasong graft kaugnay sa naudlot na transaksyon na $329 sa pagitan ng NBN at ZTE Corporation ng China ay kinumpirma ni Atty. Lawrence Arroyo na kahit masama ang pakiramdam ay nagdesisyon ang dating Pangulo na dumalo at humarap sa korte.

“She’s a bit ill today and the past few days. She has been diagnosed with shingles which I understand is something akin to chicken fox and she was advised by her doctor not to attend today’s  arraignment but she insisted in facing the charges against her and that’s why she appeared this morning in the arraignment,” ayon kay Atty. Arroyo.

Binanggit pa ng abogado na nagkaroon ng shingles ang dating Pangulo na ayon sa mga doktor ay bahagyang nakahahawa.

Aniya ang shingles ay masakit dahil ito ay mga nagtutubig na sugat na maikukumpara sa “bulutong tubig” kung sa bata.

Maging si dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo ay umamin na hindi mabuti ang pakiramdam ng dating Pangulo.

Tinangka rin ni Atty. Jose Flaminiano na mapigilan ang arraignment dahil sa nasabing karamdaman, subalit itinuloy ni Sandiganbayan Fourth Division chairman Associate Justice Gregory Ong ang pagbasa ng kaso.

Magugunitang, naglagak na ng piyansang P70,000 nitong nagdaang buwan ang dating Pangulo para sa dalawang kaso ng graft at paglabag sa Republic Act (RA) No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply