GMA hindi sususpendihin ng Kamara

HINDI sususpendihin ng liderato ng Kamara bilang miyembro ng 15th Congress si dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Reaksyon ito ni House Majority Leader Neptali Gonzales II sa panawagan ng government prosecutors na suspendehin si Arroyo matapos mabasahan ng sakdal sa kasong graft na kinakaharap sa Sandiganbayan.

Ayon kay Gonzales, nakasaad sa Konstitusyon na maaari lang patawan ng suspensiyon ang isang miyembro ng Kamara kung idineklarang guilty sa kasong misconduct ng miyembro ng mayorya habang kongresista ng 15th Congress.

“House of Representatives has been consistent that a member can only be suspended for misconduct in office by a vote of majority of all the members for misconduct in office committed during his/her incumbency as a member of the house”, ani Gonzales sa isang text message.

Ipinaliwanag pa ni Gonzales na ang kaso ni Arroyo ay nangyari noong ito ay pangulo pa ng bansa kaugnay sa maanomalyang transaksyon ng $329 milyong NBN-ZTE Broadband deal.

“Even if Sandiganbayan suspends her it will not be implemented by the house”, dagdag pa ni Gonzales.

Si Arroyo ay nahaharap sa dalawang kaso ng graft at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards sa Sandiganbayan bukod pa sa kasong electoral sabotage case kaugnay sa kasong pandaraya sa halalan noong 2007 na nakabimbin ngayon sa Pasay City Court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply