GMA naghain ng ‘not guilty plea’

NAKAPAGHAIN na ng ‘not gulity plea’ si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating first gentleman Mike Arroyo kaugnay sa isinampang kasong katiwalian sa National Broadband Network (NBN) project ng Chinese firm ZTE Corp.

Si Gng. Arroyo, na kasalukuyang nakapiit sa Veterans Memorial Medical Center) sa Quezon City na nahaharap sa hiwalay na kosong electoral sabotage, ay humarap sa 4th Division ng  Sandiganbayan anti-graft court kaugnay sa pagbasa ng sakdal kaugnay sa kontrobersyal na NBN-ZTE deal.

Ang kaso ay inihain nitong nakaraang taon ng Office of the Ombudsman dahil inaprubahan ni Gng. Arroyo ang transaksyon ng NBN-ZTE kahit batid nitong may iregularidad sa naganap na deal.

Bukod sa mag-asawang Arroyo, dumalo rin sa naturang pagbasa ng sakdal si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos.

Naghain din ng not guilty plea sina dating FG Miguel Arroyo at Abalos.

Samantala, si dating Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza ay ipinagpaliban muna ang nakatakdang arraignment dahil nagpapagaling pa ito sa karamdaman.

Iniurong ang pagbasa ng sakdal kay Mendoza sa darating na May 14.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply