Gobyerno binatikos sa paglikha ng takot ukol sa NoKor rocket

BINATIKOS ng isang kongresista ang gobyerno dahil umano’y paghahasik ng takot at panic sa publiko kaugnay ng inihahandang sattelite rocket launch ng North Korea.

Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list Rep. Antonio Tinio na ang ipinalabas na advisory ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ukol sa “missile test” ng North Korea ay nagdulot lang ng pangamba sa publiko.

Nilinaw ng solon na satellite at hindi nuclear warhead ang susubukan ng North Korea kaya isang maling impormasyon ito nagdudulot pa ng takot sa publiko.

“Yet Usec. Ramos even refers to it as an Intercontinental Ballistic Missile or ICBM, evoking the doomsday weapon of the Cold War. Such exaggerated language is totally inappropriate coming from a bureaucrat in charge of ensuring public order and safety,” sabi pa ng mambabatas.

Pinuna rin ng mambabatas ang naging rekomendasyon ng NDRRMC na mas mainam kung manatili muna sa kanilang bahay ang mga nasa Northeast Luzon sa pagitan ng Abril 12 hanggang 16, ang inaasahang petsa ng launching.

Ito aniya ay dahil sa may naging pahayag na ng Philippine Nuclear Research Institute’s (PNRI) na radioactive-free ang rocket ng North Korea.

Nauna rito, inihayag ng NDRRMC na ipatutupad ang no fly zone, no sail zone, at no fishing zone sa Northeast Luzon mula Abril 12-16 mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang ala-1:00 ng hapon sa Pilipinas kung kailan isasagawa ang naturang rocket launch sa North Korea.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply