Goldilocks bakeshop sa Quezon City hinoldap

HINOLDAP ng nag-iisang holdaper ang sangay ng Goldilocks bakeshop sa Quezon City kaninang tanghali kung saan natangay ang P13,000 benta nito.

Sa ulat ng Quezon City Police District station 10 Kamuning, alas-12:30 ng tanghali kanina nang holdapin ang sangay ng Goldilocks bakeshop sa Matalino St., Brgy. Central nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Maria Cristina Danagan, kahera ng bakeshop ay bigla na lamang pumasok ang isang lalaki na nakahelmet at agad siyang tinutukan ng baril saka nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng suspek ang benta sa umaga ng bakeshop na umaabot sa P13,000 saka mabilis na tumakas.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang operatiba ng QC police para madakip ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply