Goodbye private school, welcome public school

PATULOY ang exodus o paglayas ng maraming estudyante mula sa mga praybeyt iskul tungo sa mga public iskul.

Ito’y dahil sa patuloy na pagbagsak ng kabuhayan ng milyon-milyong mamamayan at patuloy ring pagtaas ng bayarin sa mga praybeyt iskul.

Nito nga lamang nakaraang araw, eh, pinayagan ng Department of Education ang nasa 100 na praybeyt iskul na magtaas ng tuition fee at iba pa sa nasa 6-10 porsyento.

Nag-aantay pa ang DepEd ng pasabi mula sa nasa 200 pang iskul na gusto ring magtaas ng tuition.

Pinapayagan ng DepEd ang mga praybeyt iskul na taon-taong magtaas ng bayarin basta’t dumaan ito sa pag-uusap ng mga may-ari ng iskul, estudyante at magulang.

oOo

Dahil nga sa paglipat ng mga estudyante sa kawalan nila ng kakayahan na magpatuloy sa mga praybeyt iskul, dapat na mabilis na tumugon ang pamahalaan para rito.

Unang dapat na tiyakin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng mga silid-aralan at gamit sa pag-aaral gaya ng mga aklat, silya, lamesa at iba pa.

Ikalawa ang pagkakaroon ng sapat na guro na gagabay sa mga mag-aaral.

Kabilang sa dapat na ihanda ang karagdagang mga palikuran na karaniwang umiistorbo sa pag-aaral kung kulang ito.

oOo

Hindi rin dapat na pahirapan o tanggihan ang mga transperi.

May mga pablik iskul kasi na pinababalik sa pers yir ang mga transperi na nakaabot na sa mas mataas na baitang.

‘Yung iba, tumatanggi at inginunguso ng mga ito ang mga napakalalayong iskul na tiyak na magiging sagabal pa rin sa pagpasok at pagtatapos ng mga bata.

Ang mga lokal na pamahalaan ay dapat kumilos upang alalayan ang DepEd sa usaping ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply