GPH-MILF 10-point pact suportado ni Guingona

SUPORTADO ng isang senador ang nilagdaang 10-point agreement sa pagitan ng Government of Philippines at Moro Islamic Liberation Front (GPH-MILF) sa ginanap na 27th Exploratory Talks sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Abril 24, 2012.

“When one sincerely believes that peace is possible, no conflict is too complicated for believers of peace to conquer and solve,” ayon kay Sen. Teofisto Guingona III sa ipinalabas na pahayag nitong Lunes.

Kamakailan, lumagda ang Pilipinas at MILF sa Decision on Points of Principles para sa peace talks na pinagkasunduan sa ginanap na exploratory talks sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagpahayag din ng paniniwala si Guingona na sa bawat pananalita ng suporta, tungkulin ninuman na magbigay ng commitment sa proseso upang matiyak ang kaunlaran at kapayapaan para sa ating bansa.

“First, as a legislator, I will continue to study the issue and listen to all possible views so that when the time comes that a law will be needed to reflect the aspirations of this entire process, I will be ready to participate in the process of creating such measure,” aniya.

“Second, as a Mindanaoan, I will continue to participate in and even lead consultations that have been, in my opinion, one of the most important reasons why progress has been made in the negotiations and in the broader aim of addressing the legitimate grievances and claims of the Bangsomoro people.”

“Third, and most important, as a Filipino, it is my duty to ensure that agreements reached will be beneficial to the Philippines and its citizens. The final agreement should be an agreement of the Filipino people and among Filipinos. Dapat maintindihan ng bawat Pilipino ang dahilan at ang hangarin kung bakit ginagawa natin ang mgaa ito,” dagdag ng senador.

Hiniling din ng senador sa mamamayan na unawain ang Ten-Point Decision of Principles na hindi na lubusang Final Peace Agreement kundi inilatag lamang nito ang pangkalahatang direksiyon ng negosasyon sa kapayapaan na isinagawa ng dalawang panig.

“Both of the Panels recognize the issues that surround the Peace situation, and on our part, we should recognize their efforts in making the process transparent for the general public to be concerned and involved with,” paliwanag niya.

“I am very optimistic that the efforts of the both panels will come into fruition soon, and that every Filipino will be with us in making Peace and Development possible for Mindanao and the entire Philippines,” patapos ng senador.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply