Grace under pressure…

COOL lang sa Twitter si Derek Ramsay kahit hindi siya tinatantanan ng mga bashers niya sa desisyong lumipat sa TV5.

Kung anu-ano ang masasakit na salita ang pinapakawalan sa kanya. Nakaka-lorky na pang-ookray talaga ang ginagawa sa kanya.

Sey lang niya sa mga bashers niya ” I respect what you believe but pls stop na. I get na what you are trying to say.”

Sagot naman niya sa isa: “If that’s what you think then I’ll respect it. Loyalty is more important for me. Maybe you should know the details first.”

Anyway, nagpapasalamat din siya sa mga sumusuporta sa kanyang desisyon at hindi siya iniwanan.

“I’m deeply touched with how much all of you care and support me on my decision,” deklara niya.

“ABS is a great network. I have my reasons for moving. I just wish everyone would see how loyal I was. I appreciate everything ABS has done,” aniya pa.

Sa statement ng ABS-CBN ay sinasabing malaki ang offer ng TV5 at hindi niya matanggihan.

“It’s not the amount buddy,” sagot niya sa kanyang Twitter Account.

Balitang si Derek ang host ng TV5 para sa franchise reality show nilang “Amazing Race Philippines.” Isa pang malaking project kay Derek is the chance to cover the 2012 Olympics na sa London daw gagawin in July.

Bukod sa pag-ober da bakod, pinag-uusapan din ang paglalaro nila ng golf ng international at guwapong actor na si Zach Efron.

Sosyal!

-0o0-

ANO ang comment ni Nadine Samonte sa pagbubuntis ng kapwa niya StarStruck avenger na si Katrina Halili?

“Happy ako para sa kanya! Minsan dumaan siya sa taping ng ‘Valiente,’ dumalaw siya kasi malapit ang bahay niya at yung make-up artist ni Miss Jaclyn Jose, friend niya, so dumalaw siya, nakita ko siya.”

Hindi raw sila masyadong nakapag-usap ni Katrina.

“Sabi ko lang congrats, iyon lang. Kasi nung time na dumating ako, kasi kadadating ko lang galing airport, dumiretso ako rito sa taping. Inaantay na nila ako kasi hindi sila makapag-take ng wala pa ako so nagmamadali ako. Pagdating ko nakita ko si Katrina, binati ko sabi ko congrats. Sabi niya  ‘Thank you!’”

Nagulat ba siya nang nalaman niyang buntis si Katrina.

“Oo, oo! Pero alam mo yung relieved na at least happy na siya. Iyon lang. I’m so happy for her. At tsaka ano na siya, very blooming, ang blooming-blooming niya!”

“Hindi na siya problemado, hindi na siya stressed, feeling ko sobrang blessing iyon para sa kanya,” nakangiting sinabi pa ni Nadine.

Wala ba siya nainggit kay Katrina at gustong magkaroon na rin ng baby?

“Darating din naman tayo riyan,” tumatawa lang niyang sagot.

Talbog!

-0o0-

MAY statement na ang ABS-CBN Corporate Communications head Sir Bong Osorio sa isyung pagre-resign ng director ng “It’s Showtime.”

“It is not true that Direk Bobet Vidanes resigned from “Showtime” because of Vice Ganda. Both of them were recently not in the show since Direk Bobet went on a Holy Week break, while Vice Ganda fulfilled a series of engagement in the Middle East.”

Si Direk Bobet pa rin daw ang director ng naturang noontime show ng Dos.

Klaro!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply