Graduation party sa QC natigmak ng dugo

ANG sana ay masayang selebrasyon ng pagtatapos ng isang estudyante sa high school ay natigmak ng dugo matapos pagbabarilin ang 17-anyos na biktima ng kanyang kapitbahay na naingayan sa kanilang pagdiriwang kaninang madaling-araw.

Namatay noon din sa lugar ng insidente si Rizalino Julyesa Jr., 17, bunga ng tama ng bala ng baril sa likod at ulo.

Ayon kay SPO3 Peter Wala Wala, ng Quezon City Police District Batasan Police Station 6, naganap ang insidente 2:00 ng madaling-araw kanina sa compound ng biktima sa St. Joseph St., Brgy. Holy Spirit.

Nagkakasayahan ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan dahil naka-graduate na sila sa high school nang pumasok sa loob ng compound ang kanilang kapitbahay na si Bernardo Ruz at galit na galit na sinaway ang biktima at grupo nito dahil sa ingay.

Kasunod nito ay biglang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima sa ulo at likuran na agad niyang ikinamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply