Grand job fair ikinakasa ng Dole sa Abra, Baguio City

ISANG grand job fair ang ikinakasa ng Department of Labor and Employment (Dole) sa Abra at Baguio City, sa “Labor Day” sa darating na Mayo uno.

Sinabi ni Dole Regional Director Henry John Jalbuena, na sa Abra, gaganapin ang job fair sa Bangued, na lalahukan ng mga kompanya na nagpa-facilitate ng mga lokal na trabaho.

Sa Baguio City naman aniya ay dalawang araw ang job fair na gaganapin sa Baguio Convention Center.

Sa unang araw ng job fair sa Baguio City ay lalahukan ng kompanya na nag-o-offer ng lokal na employment habang sa ikalawang araw (May 2) ay lalahukan ng mga kompanya para sa overseas employment.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply