Gun ban sa Negros Occidental ipatutupad

NAKATAKDA nang ipatupad ang gun ban ng Commission on Elections (Comelec) sa Negros Occidental kasunod nang idinaraos na special elections sa Hunyo 2 upang punuan ang binakanteng puwesto nang pumanaw na si Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo Jr.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ang campaign period para sa nasabing special polls ay magsisimula sa Mayo 17 hanggang 31.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Jimenez na sa Abril 18, iiral na rin ang ban sa pag-transfer o pagtatalaga ng civil service employees at pagsuspinde ng mga elective provincial, city, municipal, o barangay officials at magtatapos sa Hunyo 1, habang ang ban sa pagkuha ng mga bagong empleyado ay magsisimula naman ng Mayo 3 at tatagal hanggang Hunyo 1.

Nabatid na simula naman sa Mayo 14, maaari nang maghain ang kandidato ng certificates of candidacy sa Office of the Provincial Election Supervisor ng Negros Occidental mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon at sa Mayo 15 mula 8:00 ng umaga hanggang hatinggabi.

Nabatid na ang liquor ban ay magsisimula naman sa Hunyo 1 at magtatapos ng Hunyo 2, habang ang ban naman para sa pagkumpuni ng kalsada ay magsisimula ng Mayo 2 at tatagal hanggang Hunyo 1.

Si Arroyo ay matatandaang pumanaw dahil sa sakit sa atay habang nasa London kung saan siya nagpapagamot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply