Guro, 3 pa niratrat sa Muntinlupa, todas

PATAY ang apat katao kabilang ang isang guro, habang sugatan ang isa sa kasamahan nila nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki kahapon sa Muntinlupa City.

Kaagad na binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Godofredo Villa, 28 at ang gurong si Sandra Obayan, 26, habang naisugod pa sa Medical Center Muntinlupa si Reynaldo Corbes, 30 at sa Ospital ng Muntinlupa si Danilo Ramos, 29, pawang ng Southville, Barangay Poblacion subalit nasawi rin.

Sugatan at kasalukuyan pang nagpapagaling sa Medical Center Muntinlupa si Aileen Villa, 36,  matapos mahagip na bala sa kanang hita.

Sa inisyal na ulat na tinanggap ni Chief Insp. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Southern Police District, naganap ang pamamaril dakong alas-8:15 ng gabi kahapon malapit sa tapat ng bahay ni Obayan sa Phase 3 Blk 1 Lot 87 Southville 3.

Nag-uusap ang mga biktima nang dumating ang dalawang lalaki na nakasuot ng bullcap at jacket na maong at kunwa’y may hinahanap na tao na ang napagtanungan ay ang mga biktima.

Ayon sa mga saksing sina Delma Belarmino, 61 at Carina Villa, 42, bigla na lamang bumunot ng kanilang dalang armas ang mga suspek at niratrat ang mga biktima bago nagmamadaling nagtatakbong palayo sa naturang lugar.

Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang 10-basyo ng kalibre .45 baril na ginamit ng mga salarin at apat na depormadong tingga.

Blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang habang inaalam pa sa mga kaanak ng nasawi kung sino sa kanila ang may matinding kaalitan na posibleng naging ugat sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply