Guro todas sa boga sa South Cotabato

PATAY ang isang guro matapos barilin ng suspek sa mismong bahay nito sa Lake Sebu, South Cotabato, ayon sa report ngayong umaga.

Kinilala ang biktima na si Abe Mahimpit Garcisa, 43-anyos, residente ng Sitio Abot Barangay Ned Lake Sebu at nagtuturo sa Lake Sebu Elementary School.

Sa imbestigasyon, sinugod ng suspek na kinilalang si Danilo Agravante ang guro at walang sabi-sabi binaril sa leeg na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng Lake Sebu PNP sa krimen.

Pinaghahanap din ang tumakas na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply