Gusali bumigay: 1 kritikal, 3 sugatan

NASA kritikal na kondisyon ang isang construction worker habang tatlong kasamahan nito ang nasugatan nang madaganan ng bumigay na bahagi ng ginagawang gusali sa San Jose, Antique.

Kinilala ang biktima na nasa malubhang kalagayan na si Alberto Noscar, na nabagok ang ulo dahil sa pangyayari.

Sugatan naman sina Rommel Quinto (nabalian ng kanang braso), Robinsons Sumagay (nabalian ng kanang braso at maga ang mukha) at Junrel Oteda (nagtamo ng minor injury).

Nabatid na proyekto ng lokal na pamahalaan ang ginagawang gusali.

Iniimbestigahan na ang nasabing insidente at inihinto muna ang konstruksyon sa gusali.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply